Saturday, May 31, 2008

Takot ka ba sa dilim?

Kung takot ka, mas takot ako!

Nung bata pa ako, kapag nagbrown-out, lahat na ng klase ng multo,aswang at mga nakakatakot na nilalang ay nai-imagine ko sa dilim. Nawawala ako sa sarili, labasan lahat ng luha ko lalo na ang uhog sa sobrang takot. Ngawa ako ng ngawa kahit katabi ko pa ang nanay ko na nagsasabing "Anak, wala kang katabing pugot na bangkay diyan sa kanan mo kaya tumahan ka na..."
Lumaki akong apple of the eye ng mga tiyuhin at tiyahin ko pagdating sa takutan. Kaya ang resulta paglaki ko, takuchi pa rin ako sa mumu hanggang ngayon kahit nasa edad na ako para magmacho dancer. E nakakatakot e! lalo na kapag mag-isa ako sa kwarto at nanonood ng cartoons. Kahit anong paglilibang na ang gawin ko, sumasalungat pa rin ang imagination ko sa pagpigil ko sa kanya na wag mag-imagine ng white lady, black lady o neon blue lady. Basta may lady ayoko! Tang-ina nauso pa kasi yang sadako na yan e! Kung di lang siya mumu ginahasa ko na yang beyotch na yan! Nauso pa kasi yang mga japanese o korean na horror movies, kaya lalo pang lumala phobia ko pagdating diyan.

Minsan isang araw, hindi ko alam kung ano pumasok sa kokote ko at naisipan kong pumunta sa Quiapo para bumili ng anting-anting o mga pangontra sa mga 'lady pakshit' na yan, kaya naglibot-libot ako sa mga agimat stands malapit sa simbahan. Ayos ang dami---ang dami nilang pakulo! Tumitingin pa lang ako hindi na sila magkandaugaga sa pagyaya at pag-salestalk sa akin. Keso yung bato daw ni Salome pangontra sa masamang espiritu, masamang engkanto, masamang amoy. Tapos yung daw Libag ni Hundra pampaailis daw ng malas sa bahay, pampaalis din daw ng swerte, basta sabihin lang ang magic words na "Umalis ka na lucky shooo!"
Meron pa nga Pustiso ni Mang Berto, itatapat lang raw sa sinag ng araw ng tatlong oras. Pagkatapos nun ay isusubo mo (eew!) at may sasabihin ding magic words na "Tumayo ang testigo kay susan tayo!" Pangontra daw yun sa rabies ng aswang. Ayos ah, kung makontra man yung rabies ng aswang, mabuhay ka pa kaya matapos ka nitong lapain?
Meron din Hanger ni Pasing, hindi ko alam kung nanggagago na lang yung isang tindero. "Hanger?" parang ninakaw lang sa kapit-bahay tapos kinulayan at nilagyan lang ng disenyo para magmukhang mystical. Ginagamit daw yun para hindi maligaw sa pupuntahan, isabit lang daw sa likod ng damit.
At eto pa nakakawindang, yung isang binatilyo naman inalok ako ng hawak niyang bagay, nacurious ako. Sabi niya ang tawag daw dito ay: Etits ni Petro. Inulit ko pa sa kanya, "Etits? as in pututoy?" Oo daw yun nga, seryoso pa ang binatilo sa pagde-demonstrate sa akin ng sinasabing 'Etits' ni Petro kung ano ang bisa nito. Hindi ko maalala kung anong nasabi ko sa kanya pagkatapos kong malaman kung para saan ang hugis longganisang agimat na yon. Basta ang naalala ko lang kung paano siya lumandi at magladlad habang sinasabi niya ito:
"Kuya...gamitin mo to kontra gerlaloong tikbalang..."

PUTA KA!
Ayun naalala ko na sinabi ko sa kanya! Ang alam ko may ginawa pa ako sa baklang binata na yon e. Ah! pinakain ko siya ng longganisa, tama yun nga.


Sa paglilibot ko sa paligid ng Quiapo, sari-sari ang na-encounter kong nag-alok sa akin ng mga charms, amulet, at kung ano-anong bato na halatang napulot lang sa palawan at binigyan ng nickname. Shit! Akala ko pinakamalala na yung Etits ni Petro. Meron pa pala, at hindi remedyo sa mga supernatural at mga engkanto. May aleng nag-alok sa akin ng I-pud shuffle.(hindi typo error yan) Yun ang tawag ng ale sa hawak niyang Ipod na grabe sa pudpod ng itsura. Kaya raw ito nagkaganoon dahil marami na raw itong napagdaanan. Ang unang pudpod nito ay nangyari nung nasagasaan ng kotse ang unang may-ari nito. Sabi ng aleng kamukha ni Jimmy Santos, sumapi daw ang kaluluwa nung nasagasaan sa hawak nitong Ipod shuffle. (wow kala niya...hindi ako maniniwala) Ako naman tong si gago, libang na libang sa story telling ng ale. At sabi pa niya, ayon sa adik na witness, bobo daw kasi yung babaeng nasagasaan. Binusinahan na siya ng kotse pero hindi niya narinig dahil naka-earphone ito. Kaya yun sinagasaan na ng tuluyan nung driver, ayaw tumabi e.
Take note: base ito sa kwento ng adik na naka-witness kaya malamang, factual yun.

Hanggang sa nagpasalin-salin ang nasabing Ipod sa kamay ng ibat-ibang tao. Lahat sila patay na. Pero coincidence lang daw yon sabi ng ale dahil ang totoo suwerte daw ang Ipod na iyon.


Mga benefits na matatamo mula sa Ipud sabi ng aleng kamukha ni Jimmy Santos:

1. 300 pesos lang ito.

2. Kapag ginamit mo daw ito, hindi na kailangan i-charge dahil hindi nalo-lowbat.

3. Kapag pinakinggan mo ang 'the cursed song' doon kung saan nagsasalita ang babaeng nasagasaan. Hindi mo na kailangan ng shabu o katol para ma-high at makarating ng heaven. Cool!

4. Kapag pinindot mo ang next, magpe-play ang next song.

5. Ang next song ay kanta ni Souljaboy.

5. Ang memory nito ay 13 Gigabytes.

6. May libre ng headset.

7. May libre pang kiss kay Aleng Jimmy.



Bibilin ko na sana yung astig na Ipod pero nung marinig ko yung no. 7, yung tinda na lang niyang bananacue ang binili ko. Binayad ko ang 2oo na buo at sabi ko keep the change na lang. (Para hindi masayang yung kwento niya.) At umalis na ako sa lugar na yon dahil tumayo balahibo ko sa no. 7. Hindi dahil sa kwento niya.

Pagkauwi ko sa bahay, siyempre may nabili rin ako. Tamang-tama pangontra sa pinaka-kinatatakutan ko. Ang DILIM.

50 pesos lang ang flashlight, wala pang libreng kiss!

Friday, May 30, 2008

Sinumpa ko na ang MILO. puuwaaamisss!

Ginawa ba ang Milo para magtae ang mga tao?

Yan ang kadalasang tinatanong ko sa sarili ko nung bata pa ako pagkatapos mapuno ang poso negro namin dahil sa pagtatae.
Sa tuwing iinom ako ng Milo, talagang nag-aactivate ang diarrhea ko. Pero iniisip ko na lang na guni-guni ko lang na ang dahilan nga ay ang pag-inom ng Milo. Siguro ay nagkataon lang na tska umaatake ang sakit ng tiyan ko kapag napainom ako ng Milo. Bihira kasi akong dumumi once a week kaya kapag binuga ko, talagang matagalan---patagalan din sa tiis ng amoy.
Pero tama nga ang hinala ko, Milo nga ang sanhi ng aking loose bowel movement. At sosyal siya mang istorbo, tuwing umaga lang ito tumatalab. Noong nasa high school pa ako, siyempre kailangan maaga pumasok, maaga gumising, wala nang panahong maghanda ng sandwich o fried rice with bagoong and strawberry syrup para sa almusal. Kaya no choice, Milo na lang ang pwedeng ilaman sa tiyan ko. Mas mahirap kung wala itong laman. Tinimpla, hinalo, at ininom ko ang forbidden powder. Sa una wala pang side effect, pero nung nasa school na ako at nagkataong nakatoka ako maglead sa flag ceremony at kumanta ng Lupang hinirang sa harap ng all year level na mga estudyante, teachers, at principal.

"Ba..yang...magi *PruoooOOOtt!*...liw perlas ng na..nananan..."

Ramdam ko ang lusaw na 'Uhm Uhm' na lumabas sa wetpaks ko, alam kong bumakat yun sa pwetan. Nakailang tawag ata ako ng mga santo sa langit na sana ay hindi narinig sa mic ang pinakawalan ko. Hay salamat...hindi nila narinig.....NAAMOY LANG NILA! Salamat pa sa mabait kong katabi at binunyag sa lahat na ako ang salarin. Tinuro niya pa ang pwetan ko na may hidden mickey.


Sikat ako sa lahat, maraming articles ang naglabasan sa official publication ng paaralan tungkol sa Flag ceremony scandal. Sikat ako sa lahat, paborito akong pagtawanan sa klase. Sikat ako sa lahat, lalo na sa ultimate crush ko na sa tuwing makakasalubong ko at nakasuksok ang dalawang daliri niya sa ilong. Mas lalong sikat ako sa principal, kaya ang pabuya niya sa akin nung oras na mangyari yun, private comfort room sa opisina niya kung saan walang makakaalam na nagtatae ako. Walang makakaalam.

Ang tagal kong iningatan ang image ko sa school na yun, heartrob na may pagkakonyo, well groomed at neat sa katawan, at magtatapos ang lahat dahil sa pesteng Milo na yan! Samamabitch!
Kung maibabalik ko lang yung mismong oras na nangyari yun, sasabihin ko sa kanila na joke lang yung naipot ako. O kaya ay hindi na lang talaga ako uminom ng Milo nung umaga sa halip ay coco crunch na expired na lang. Azar.



Alam niyo ba ang kwento ni Lola Hebang?

Masayang nakaupo si Lola Hebang sa tapat ng bahay nila kausap ang mga barkada niya. Nang biglang may dumating sa lugar nila na mga nagi-interview tungkol sa Milo para sa bagong commercial nito. Live, naghahanap ng mga ite-testing para uminom ng produkto nila. Napili nila si Lola Hebang na nagtataka sa mga kaganapan.

Staff: Lola gusto niyo po ba subukan ang New improved na Milo? (inabot kay Lola Hebang ang isang baso ng Milo at tinutok ang camera dito.)

Lola Hebang: Huh? Libre ba ito?

Staff: Oho! Sige po i-try niyo.

Lola Hebang: Aba'y sige at matikman nga.. (ininom niya ang Milo)

Staff: Ano ho masarap po ba? Ano po masasabi niyo sa Milo?

Lola Hebang: Hmm....Masarap nga! Ano ba kamo ito? May-lo?

Staff: Opo M-I-L-O, Milo po. Humarap po kayo sa camera at anyayahan ang mga manonood na sumubok nito.

Lola Hebang: *Aba ayos to ah! Shooting!* Ahem...ito ang Milo, (nag-isip si Lola Hebang ng malupit na banat) Ah! Milo! M...I...L...O! Masarap Inumin Lasang Ovaltine! Astig!!

Nagulantang ang mga staff sa sinabi ni Lola Hebang, muntik nang mabitawan ang camera dahil live ito.

Saturday, May 24, 2008

Ang Tula ni Tutoy

Kilala niyo ba si Tutoy?

kung hindi ay magpatuloy

para makilala ng lubos

ang bagay na naluluslos



Noong unang panahon

takip niya lamang ay dahon

hanggang ito ay humantong

na tela na ang pinapatong



oh bagong henerasyon

nagdaan milyon-milyong taon

dati ay tela ang sinusuot

ngayon goma na ang pinupulupot



Kapag si Tutoy ay mahiyain

kilitiin mo para yayain

upang ang ulo ay lumabas

sa shield nitong parang pasas



Oh Tutoy maging matigas

upang matuwa ang mga hiyas

huwag hayaang lumambot

kahit tawagin ka pang supot



Si Tutoy nagmatapang

gusto palaging nakaduwang

taas noong pinagmamalaki

na siya ngayon ay bagong tuli




Si Tutoy nagbinata

nangamatis at nalanta

sinilipan kasi ni nene

nagblush tuloy ang tit*



Tutoy kumilos ka

naghihintay na at nakabukaka

si Neneng dalaga na

kaya resbakan mo na




Tutoy anong problema?

bakit si Nene ay dinededma?

tila ikaw ay nanghihina

kulang yata sa bitamina



Laking gulat ko nalang

nagsalita siya ng pabalang

"Tutoy wants to be a swordsman!"

tangina ako ay kinilabutan



hindi dahil siya ay nagsasalita

english pa ang kataga

Si Tutoy pala iba ang hilig

sa kapwa Tutoy pala kinikilig

Minsan magigising ka na lang

Nasa gitna ako ng pagtulog at nananaginip tungkol sa napanood kong eductional film (xxx) noong isang araw, pero naudlot ito at tuluyan nang nagising dahil sa ingay ng reyalidad na mundo. Maingay, magulo at puno ng umaatikabong bakbakan. Ilang sandali pa ay malinaw na sa paningin ko ang nangyayari, nagsusuntukan ang mga pamangkin ko. Pero huli na ako para awatin sila para hindi magkapuruhan. Ang buong mukha nilang dalawa ay kulay ube na, pati na rin ang texture.

"Josh! Alvin! tumigel na kayo!" inawat ko sila pero di pa ako nakakalapit ay ako naman ang tinarget nila.
"Pak yu tito! don't interfere with us you son of a cunt!!"
"Tanginamerks ka tito wag kayo lalapet sa amen gago ka!!"
Wala akong nagawa kundi panoorin silang nagpapatayan. Pero hindi nila pwedeng ganituhin ang tiyuhin nila kaya naglakas loob ulit akong awatin sila kahit mapanganib.
"Ahm...guys...please naman oh, tumi...*kaplak*ARAY!! MGA PUTANG@#$% niyo masakit yun ha!" hindi ko napigilan ang sarili kong mamura sila dahil tinamaan ako sa mukha ng binabato nilang mga appliances. Alam ko na ang kung anong sunod na mangyayari.
"Tito ang bad mo...nagmumura ka sa harap namin! Susumbong ka namin kay Mommy!"


Hindi ko alam kung anong nagawa kong pagkakamali, bakit ako walang karapatang magalit? Samantalang ako kung ituring nila parang taeng tubol lang. Dahil ba takot ako sa nanay nila? Sinasamantala nila kabaitan ko! Oo takot ako sa INA nila, simula nung bata, hanggang maging teenager, at ngayong matured na kami takot pa rin akong gulpuhin ng maton kong kapatid. Weight lifter ang INA nila samantalang ako ay laptop lang ang kayang buhatin. Hindi ko alam kung tama ang hinala kong karneng hilaw ang kinakain niya dahil sa protinang bumubuo sa buong katawan niya, idagdag mo pa ang asawang incredible hulk sa laki. Kaya sa oras na magsumbong ang mga demonyo nilang anak, naghahanap na ako ng lugar kung saan ko isusuk-sok ang sarili ko para taguan siya. Minsan sa cabinet, sa ilalim ng kama, pero paborito ko ang drawer.

"WARLO NASAN KANG BWAKANANG INA KA?!!! LUMABAS KA KUNG AYAW MONG GIBAIN KO TONG KWARTO MO HAYOP KANG HINAYUPAK NA ANIMAL KA!!"

Rinig pa rin sa drawer ang mala-kulog na boses ng ate ko, kahit anong mangyari hindi ako magsasalita, hindi ako hihinga, hindi niya ako mahahanap.

Ilang sandali lang naman tatagal yun, tahimik na ulit, pwede na ako lumabas sa drawer na pinagtaguan. Isang buwan ko rin pinractice ang sarili para magkasya sa drawer, ayun sa kabutihang palad, marunong na akong itupi ang mga buto ko. Kaysa naman magkabarag-barag pag inabutan ako ng ate kong sabertooth.

Suwerte pa ako dahil nakatagal ako kasama nila, ok lang, malapit na naman akong bumukod sa kanila. Hindi ko lang maiwan ang kinalakihang bahay na pinamana sa amin ng magulang. pero hindi na akong aasang aalis pa ang pamilya ng ate ko doon, pucha magsama silang mga wrestler basta ako aalis na sa puder nila. May mga pangarap pa ako at ayokong masira yun dahil sa kanila. Pinangako ko sa sarili ko na sa oras na lumayas ako sa pamamahay na yun, makokotongan ko rin ang mga minamahal kong pamangkin.


Minsan magigising din ako macho na ako, at kaya ko ng sabunutan ang bruha kong ate. I hate her grabe!

Sunday, May 18, 2008

chapter 2 (teka may 1 naba?)

...sssshhhh wag kayo maingay....magigising yung pamangkin ko, malapit na matapos yung loading ng video sa iyottube...sssshhh....

after 30mins.


shit! ang lagket ng keyboard, punasan ko nga w;oug fr3toryl g h jugjuhygf dsdbghd fvgbnhjgbhnjhj yan malinis na yung pindutan. Puta 'no 'to na type ko?!



------------------------------------
Tinupad ko ang pangako ko sa mga kalaro ko na babalik ako sa kanila. Lintek! hindi ko akalaing hinintay nila ako...grabe ang lufet nila... after 15 years inaabangan nila 'tung sequel tungkol sa "Rat became a meatball."
Yan ayan sila, binabasa tong sinusulat ko. Shet touched ako, faithful sila sakin. Hindi ko inakalang kung kailan tumanda na kami ay tska lang sila nakinig sa akin.

sa wakas....



Nagkita-kita kami sa friendster nang minsang nag-message sa akin ang isa sa kanila, matapos magkalayo-layo ng landas noong nasa Quezon pa kami.

Ang laki ng pinagbago nila.
Si Burgid hindi na uhugin, may tb na.

Si Arme na nangakong hindi siya magpapatuli hanggang tumanda siya, ngayon ay magrereklamo siyang: "Ayaw akong tanggapin ng mga doktor p're, rubberize na daw."

Si Joshua naglalaro dati ng barbie, ngayon brattz na binabanatan.

At ang kaisa-isang babae sa gang namin, si Nuneng, ngayon Nonoy Barag Bungo na.
Sundalo siya sa pangasinan.

Ako lang ata ang walang ipinagbago, walang inasenso, at wala pa ring asawa. Silang lahat meron na, daig pa ako ni Nune..Nonoy, tatlo asawa, babae yun ah. Loser pa rin ako hanggang ngayon. May I-pod, Computer, Cellphone, na touch screen na. Pero ako, booger twister pa rin.

Saturday, May 17, 2008

Sa wakas may makikinig din sa akin.

Noong bata pa ako, walang may gustong makinig sa akin. Nakakalungkot.

Gusto ko lang naman ikuwento yung dagang nasagasaan ng kotse habang kumakain ako ng Spaghetti at tumalsik ang laman-loob nito sa pinggan ko kaya hindi ko malaman kung ano na ang totoong meatball at sa additional lang. Titikman ko sana pero...nauna ang pagsuka ko sa mukha ng kawawa kong aso na nagaabang lang sa harapan ko ng pagkain.
Ano bang mali sa pagkukuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa pangyayari sa buhay ko? Wala naman 'di ba?

Mahirap ang ganoong kalagayan lalo na kung mag-isa kang nakahiga sa damuhan 'pag gabi habang naglalaro ng twisted booger. Hindi mo masabi sa iba kung ganoo ka sarap ang mangu... Teka parang babuyan na usapan. *ehem* Kaya yun nga ang sarap mangulangot habang nakatingin ka sa langit at naghahanap ng mga stars na nagpo-form ng iba't-ibang shapes, Halimbawa: Stars.

Siguro kaya minsan ay ayaw nila akong kausap dahil kapag nakinig naman sila sa akin habang nagkukwento ako ay bigla ko na lang maiisip na iwanan sila, Parang ganto...


























































.....pero binabalikan ko rin sila at sinasabing, " Sa susunod ko na lang itutuloy, tinatamad na ako e.