Saturday, May 31, 2008

Takot ka ba sa dilim?

Kung takot ka, mas takot ako!

Nung bata pa ako, kapag nagbrown-out, lahat na ng klase ng multo,aswang at mga nakakatakot na nilalang ay nai-imagine ko sa dilim. Nawawala ako sa sarili, labasan lahat ng luha ko lalo na ang uhog sa sobrang takot. Ngawa ako ng ngawa kahit katabi ko pa ang nanay ko na nagsasabing "Anak, wala kang katabing pugot na bangkay diyan sa kanan mo kaya tumahan ka na..."
Lumaki akong apple of the eye ng mga tiyuhin at tiyahin ko pagdating sa takutan. Kaya ang resulta paglaki ko, takuchi pa rin ako sa mumu hanggang ngayon kahit nasa edad na ako para magmacho dancer. E nakakatakot e! lalo na kapag mag-isa ako sa kwarto at nanonood ng cartoons. Kahit anong paglilibang na ang gawin ko, sumasalungat pa rin ang imagination ko sa pagpigil ko sa kanya na wag mag-imagine ng white lady, black lady o neon blue lady. Basta may lady ayoko! Tang-ina nauso pa kasi yang sadako na yan e! Kung di lang siya mumu ginahasa ko na yang beyotch na yan! Nauso pa kasi yang mga japanese o korean na horror movies, kaya lalo pang lumala phobia ko pagdating diyan.

Minsan isang araw, hindi ko alam kung ano pumasok sa kokote ko at naisipan kong pumunta sa Quiapo para bumili ng anting-anting o mga pangontra sa mga 'lady pakshit' na yan, kaya naglibot-libot ako sa mga agimat stands malapit sa simbahan. Ayos ang dami---ang dami nilang pakulo! Tumitingin pa lang ako hindi na sila magkandaugaga sa pagyaya at pag-salestalk sa akin. Keso yung bato daw ni Salome pangontra sa masamang espiritu, masamang engkanto, masamang amoy. Tapos yung daw Libag ni Hundra pampaailis daw ng malas sa bahay, pampaalis din daw ng swerte, basta sabihin lang ang magic words na "Umalis ka na lucky shooo!"
Meron pa nga Pustiso ni Mang Berto, itatapat lang raw sa sinag ng araw ng tatlong oras. Pagkatapos nun ay isusubo mo (eew!) at may sasabihin ding magic words na "Tumayo ang testigo kay susan tayo!" Pangontra daw yun sa rabies ng aswang. Ayos ah, kung makontra man yung rabies ng aswang, mabuhay ka pa kaya matapos ka nitong lapain?
Meron din Hanger ni Pasing, hindi ko alam kung nanggagago na lang yung isang tindero. "Hanger?" parang ninakaw lang sa kapit-bahay tapos kinulayan at nilagyan lang ng disenyo para magmukhang mystical. Ginagamit daw yun para hindi maligaw sa pupuntahan, isabit lang daw sa likod ng damit.
At eto pa nakakawindang, yung isang binatilyo naman inalok ako ng hawak niyang bagay, nacurious ako. Sabi niya ang tawag daw dito ay: Etits ni Petro. Inulit ko pa sa kanya, "Etits? as in pututoy?" Oo daw yun nga, seryoso pa ang binatilo sa pagde-demonstrate sa akin ng sinasabing 'Etits' ni Petro kung ano ang bisa nito. Hindi ko maalala kung anong nasabi ko sa kanya pagkatapos kong malaman kung para saan ang hugis longganisang agimat na yon. Basta ang naalala ko lang kung paano siya lumandi at magladlad habang sinasabi niya ito:
"Kuya...gamitin mo to kontra gerlaloong tikbalang..."

PUTA KA!
Ayun naalala ko na sinabi ko sa kanya! Ang alam ko may ginawa pa ako sa baklang binata na yon e. Ah! pinakain ko siya ng longganisa, tama yun nga.


Sa paglilibot ko sa paligid ng Quiapo, sari-sari ang na-encounter kong nag-alok sa akin ng mga charms, amulet, at kung ano-anong bato na halatang napulot lang sa palawan at binigyan ng nickname. Shit! Akala ko pinakamalala na yung Etits ni Petro. Meron pa pala, at hindi remedyo sa mga supernatural at mga engkanto. May aleng nag-alok sa akin ng I-pud shuffle.(hindi typo error yan) Yun ang tawag ng ale sa hawak niyang Ipod na grabe sa pudpod ng itsura. Kaya raw ito nagkaganoon dahil marami na raw itong napagdaanan. Ang unang pudpod nito ay nangyari nung nasagasaan ng kotse ang unang may-ari nito. Sabi ng aleng kamukha ni Jimmy Santos, sumapi daw ang kaluluwa nung nasagasaan sa hawak nitong Ipod shuffle. (wow kala niya...hindi ako maniniwala) Ako naman tong si gago, libang na libang sa story telling ng ale. At sabi pa niya, ayon sa adik na witness, bobo daw kasi yung babaeng nasagasaan. Binusinahan na siya ng kotse pero hindi niya narinig dahil naka-earphone ito. Kaya yun sinagasaan na ng tuluyan nung driver, ayaw tumabi e.
Take note: base ito sa kwento ng adik na naka-witness kaya malamang, factual yun.

Hanggang sa nagpasalin-salin ang nasabing Ipod sa kamay ng ibat-ibang tao. Lahat sila patay na. Pero coincidence lang daw yon sabi ng ale dahil ang totoo suwerte daw ang Ipod na iyon.


Mga benefits na matatamo mula sa Ipud sabi ng aleng kamukha ni Jimmy Santos:

1. 300 pesos lang ito.

2. Kapag ginamit mo daw ito, hindi na kailangan i-charge dahil hindi nalo-lowbat.

3. Kapag pinakinggan mo ang 'the cursed song' doon kung saan nagsasalita ang babaeng nasagasaan. Hindi mo na kailangan ng shabu o katol para ma-high at makarating ng heaven. Cool!

4. Kapag pinindot mo ang next, magpe-play ang next song.

5. Ang next song ay kanta ni Souljaboy.

5. Ang memory nito ay 13 Gigabytes.

6. May libre ng headset.

7. May libre pang kiss kay Aleng Jimmy.



Bibilin ko na sana yung astig na Ipod pero nung marinig ko yung no. 7, yung tinda na lang niyang bananacue ang binili ko. Binayad ko ang 2oo na buo at sabi ko keep the change na lang. (Para hindi masayang yung kwento niya.) At umalis na ako sa lugar na yon dahil tumayo balahibo ko sa no. 7. Hindi dahil sa kwento niya.

Pagkauwi ko sa bahay, siyempre may nabili rin ako. Tamang-tama pangontra sa pinaka-kinatatakutan ko. Ang DILIM.

50 pesos lang ang flashlight, wala pang libreng kiss!