Tuesday, June 3, 2008

Boraemon!!! Episode 1

A TRUE TO LIFE STORY...I HOPE.

Nanonood ako ng paborito kong palabas kaninang umaga, ang Doraemon. Nang bigla akong inantok ulit kahit kagigising ko pa lang. Siguro ay dahil napuyat na naman ako sa napanood kong educational film (xxx) kagabi. Kaya minabuti kong ipikit na ang aking mga mata para itulog ang antok na nararamdaman.
Humilab ang tiyan ko, nagising ako dahil doon. Kailangan pumunta ng CR para iluwal ang nagwawala sa tiyan. Sumulyap na rin ako sa orasan para tignan kung anong oras na. Alas-tres na pala ng hapon. Nang makarating ako sa kubeta, dali-dali kong binuksan ang bowl para.....MAGULAT!!! PISOABAHFSWTF!!!! nakailang mura ako sa aking isipan! Gusto ko sumigaw pero walang lumabas na boses sa bibig kong nakanganga, dala ng aftershock sa nakita ko sa bowl! Ang nagawa ko na lang ay tumakbo sa higaan at nagkulob ng kumot. Marahil nananaginip lang ako, pero hindi magandang panaginip yun. Pumikit ako at nagbilang ng maraming tupa para makatulog, pero hindi umubra dahil sa tensyon ko. Umurong na rin ang joglets ko sa pwet na kanina ay sumisilip-silip at gusto ng lumabas.

Ilang sandali pa ay may narinig akong tinig mula sa CR kung saan may nakita akong kakaiba sa bowl. Hindi ko napigilang magdasal ng magdasal at mangakong hindi na manonood ng bukake anal fest, at isosoli ko na rin ang manika sa pamangkin ko na binutasan ko sa (maternal part) para, uhm...oprerahan? Gusto kong tumakbo palabas ng kwarto, pero ayaw sumunod ng mga paa ko. Naririnig ko pa rin ang kakaibang tinig sa CR, ngayon ay malinaw na. Wala akong nagawa kundi pakinggan yun. Parang kumakanta, hindi ko alam pero pamilyar sa akin ang tunog. Ilang segundo lang ay napagtanto ko rin kung ano ang kantang yun. Kanta sa Doraemon! Bakit? Bakit ganon ang tunog? Maya-maya ay tumigil ang kanta, pinakiramdaman ko habang nakatalukbong ng kumot. Kinakabahan. Pinagpapawisan.
Makaraan ang ilang minutong paghihintay, wala na ang tunog. Sinubukan kong sumilip...
NYAAAAAAAH!!!! laking gulat ko sa nakita! Nasa kama na at nasa harap ko na ang kung anong nilalang! Isang jumbo size na TIT*!!!!!
"Helo"
". . . ."

"Ikaw ba si Warvitt?"(nagsasalita ang jumbo tit*. Katakot!)

"Ako si Boraemon"

"Huh?"(sa wakas nakapagsalita na ako.)

"Boraemon... galing ako sa future. Kamusta ka?"

"Bo...Borae..mon?" kinausap ko na siya, medyo nawala ang takot ko dahil mukhang friendly naman ang jumbo tit*. Napansin ko rin na may hawig siya kay Doraemon. Pero mukha talga siyang tit*!

"Tama. Boraemon!"

"Baka Doraemon?" tanong ko sa kanya. Medyo kalmado na ako pero naiilang parin.

"Hindi. Hapon yun e, Pinoy version ako." Depensa ng jumbo tit*.

Tama, nananagigip lang ako. Pumikit ako at pinilit kong magising. Hindi to totoo. Hindi!

Teka lang. Kung totoo nga ito, katulad ng sa palabas na Doraemon, ibig sabihin may mga gadgets din siyang kakaiba!

"Totoo ka ba?..." Tanong ko, nanginginig pa rin labi ko.

"Aba oo naman, wag ka matakot. Hawakan mo pa ako e." Maamo naman ang mukha ng nagngangalang Boraemon kaya dahan-dahan kong inangat ang kamay ko upang hawakan siya.

"Oo nga, totoo ka nga. Nahahawakan kita (Gross!! Humawak ako ng ibang tit*!! Mas malaki pa sa alaga ko!!)

"Sabi ko naman sayo e. Kaibigan mo ako, galing ako sa future. Gamit ang time machine na naka set sa panahon mo. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa toilet bowl naka-install yung program ng time machine na dapat ay sa drawer mo. Anywayz...nandito ako para tulungan kita sa pal-pak mong buhay. Tama ba?"

"Huh?" Alam niyang palpak ang buhay ko? Mukhang marami siyang alam tungkol sa akin ah. "Talaga? Ibig sabihin may mga hi-tech kang gadgets o kung ano man dyan?"

"Tumpak! Kaya solve na mga problema mo! Narito ako dahil misyon ko ito."
"Misyon? Bakit? Pano?"

"Pinadala ako dito ng iyong apo ng apo sa tuhod ng apo sa talampakan mula sa apo sa kalyo mo. Gets?"

"Ibig sabihin apo ko sa future? Pinadala ka dito?"

"Tumpak na naman. Isa siyang sikat na Imbentor sa future at isa ako sa mga na-imbento niya!"

"Huh? Imbentor apo ko?" (Hindi ko alam na may bloodline pala ako ng pagiging Imbentor, pero siguro tama nga yun. May mga na-imbento na naman ako e. Tulad ng eroplanong papel.)

"Oo Imbentor siya *ehem* pinadala niya ako dito sa nakaraan para itama ang mga mali mong nagawa sa buhay. Tulad ng katamaran at takaw sa pagtulog! Kaya nandito ako para gawing active ang lifestyle mo...hehehe."

Hehehe? Naku pati ata sa future at pagtanda ko e tamad pa rin ako."Galing ka kamo sa future? Ibig sabihin may pagbabago na sa Pilipinas? Ano na nangyari sa bansa?"

Matagal bago sumagot ang tit* este si Boraemon. Parang nag-aalangan siya at naging balisa.

"....Malungkot....hindi maganda ang nangyari sa Pilipinas. Muntik na ito mabura sa mapa."

"HUH?!! Bakit?!" Nabigla ako sa sinabi ni Boraemon, seryoso siya.

"18 years mula ngayon, magkakagulo itong bansa mo. Lumaganap na ang kurapsiyon at hindi na uso ang bigas. Sobrang kinapos na talaga sa palay at nawalan na ng gana magtanim ang mga magsasaka dahil karumal-dumal na talaga ang sitwasyon ng Pilipinas. Nagmahal ang mga natitirang stock ng bigas ultimo isang butil papatak ng bentesingko sentimos. Kaya mga mayayaman na lang ang nakakakain ng kanin. Tapos yung NFA rice na nauuso ngayon, bibilin yun ng ibang bansa sa halagang masisilaw pati si Bill Gates. Kaya ibinenta ito ng gobyerno. Siya nga pala, magiging pulubi rin si Bill Gates balang araw. Si Snoopdog na ang magiging pinakamayaman sa buong mundo. Marami ang magugutom sa Pilipinas, lahat kasi ng bilihin ay nagtaas, maraming kompanya ang nagsara, maraming tao ang nawalan ng trabaho, naging trend din ang kriminalidad, at ang higit sa lahat---maraming namatay na halos nangalahati ang populasyon."

(Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ayokong maniwala pero hindi ito malayo sa katotohanan. May kaba sa dib-dib ko. Hindi na ako nagtaka kung bakit mabubura ang Pilipinas sa mapa. Nagpatuloy si Boraemon sa kwento.)

"Pero gaya nga ng sinabi ko, 'muntik' lang iyon. Dahil nagmagandang loob ang isang bansa sa Europa para kupkopin ang mga Pilipinong Imbentor. Nagdaan ang ilang taon, bumalik ang mga nasabing Imbentor sa Pilipinas bit-bit ang karunungang natamo para paunlarin ang bansa. Di rin nagtagal, unti-unting umangat ang Pilipinas. Hanggang sa palitan na ang pangalan nito ng "PIPZ" dahil nga cool na ang Pilipinas. Sa 22nd century, mayaman na ang bansa mo. Dahil sa naimbento ng mga pinoy na solusyon sa Global Warming. Naimbento nila ang malaking bintilador na kaya itaboy ang green gas houses para ibalik sa kalawakan ang radiation ng araw. Pero may kaisa-isang pangit na mangyayari sa buong mundo. Magkakaroon ng color coding! Iba-base ang kulay ng iyong bansa sa 'favorite color' ng presidente o namumuno nito. Ang mapipiling kulay ay yun lang ang gagamitin na kulay sa lahat ng bagay sa bansa at bukod dun ay wala ng iba! At eto pa, alam mo ba kung sino papalit kay Gloria Macapagal Arroyo?"

"Sino?"

"Si Bayani Fernando!!! Yung kikay na taga-MMDA!!! Siya magiging presidente ng Pilipinas! Kaya ang magiging kulay ng lahat ng bagay sa bansang ito ay PINK!!!"

"Tang-ina!" (kita ko ang ebidensiya...kulay pink si Boraemon!) Pero matanda na si BF, hindi na iyon aabot sa panahon mo. Bakit kulay pink ka pa rin?" Tanong ko kay Boraemon.
"Ah walang koneksiyon yun...hahaha! Kulay pink ako dahil may pinag-basehan ang kulay at itsura ko!"

"Ah Alam ko na!"

"Tama iniisip mo! Hango ako sa Makopa! Kaya ganto appearance ko, pero ang metabolism ko at characteristic ko ay Pusa! Hehehe."

(Hindi naman yun ang sasabihin ko e. Sasabihin ko na mukha siyang lifesize na TIT*!!!)

ITUTULOY....