...sssshhhh wag kayo maingay....magigising yung pamangkin ko, malapit na matapos yung loading ng video sa iyottube...sssshhh....
after 30mins.
shit! ang lagket ng keyboard, punasan ko nga w;oug fr3toryl g h jugjuhygf dsdbghd fvgbnhjgbhnjhj yan malinis na yung pindutan. Puta 'no 'to na type ko?!
------------------------------------
Tinupad ko ang pangako ko sa mga kalaro ko na babalik ako sa kanila. Lintek! hindi ko akalaing hinintay nila ako...grabe ang lufet nila... after 15 years inaabangan nila 'tung sequel tungkol sa "Rat became a meatball."
Yan ayan sila, binabasa tong sinusulat ko. Shet touched ako, faithful sila sakin. Hindi ko inakalang kung kailan tumanda na kami ay tska lang sila nakinig sa akin.
sa wakas....
Nagkita-kita kami sa friendster nang minsang nag-message sa akin ang isa sa kanila, matapos magkalayo-layo ng landas noong nasa Quezon pa kami.
Ang laki ng pinagbago nila.
Si Burgid hindi na uhugin, may tb na.
Si Arme na nangakong hindi siya magpapatuli hanggang tumanda siya, ngayon ay magrereklamo siyang: "Ayaw akong tanggapin ng mga doktor p're, rubberize na daw."
Si Joshua naglalaro dati ng barbie, ngayon brattz na binabanatan.
At ang kaisa-isang babae sa gang namin, si Nuneng, ngayon Nonoy Barag Bungo na.
Sundalo siya sa pangasinan.
Ako lang ata ang walang ipinagbago, walang inasenso, at wala pa ring asawa. Silang lahat meron na, daig pa ako ni Nune..Nonoy, tatlo asawa, babae yun ah. Loser pa rin ako hanggang ngayon. May I-pod, Computer, Cellphone, na touch screen na. Pero ako, booger twister pa rin.
Sunday, May 18, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)