Saturday, May 17, 2008

Sa wakas may makikinig din sa akin.

Noong bata pa ako, walang may gustong makinig sa akin. Nakakalungkot.

Gusto ko lang naman ikuwento yung dagang nasagasaan ng kotse habang kumakain ako ng Spaghetti at tumalsik ang laman-loob nito sa pinggan ko kaya hindi ko malaman kung ano na ang totoong meatball at sa additional lang. Titikman ko sana pero...nauna ang pagsuka ko sa mukha ng kawawa kong aso na nagaabang lang sa harapan ko ng pagkain.
Ano bang mali sa pagkukuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa pangyayari sa buhay ko? Wala naman 'di ba?

Mahirap ang ganoong kalagayan lalo na kung mag-isa kang nakahiga sa damuhan 'pag gabi habang naglalaro ng twisted booger. Hindi mo masabi sa iba kung ganoo ka sarap ang mangu... Teka parang babuyan na usapan. *ehem* Kaya yun nga ang sarap mangulangot habang nakatingin ka sa langit at naghahanap ng mga stars na nagpo-form ng iba't-ibang shapes, Halimbawa: Stars.

Siguro kaya minsan ay ayaw nila akong kausap dahil kapag nakinig naman sila sa akin habang nagkukwento ako ay bigla ko na lang maiisip na iwanan sila, Parang ganto...


























































.....pero binabalikan ko rin sila at sinasabing, " Sa susunod ko na lang itutuloy, tinatamad na ako e.

1 comment:

chroneicon said...

sana man lang ay napagisip-isip ka. paano mo malalaman ang totoong meatball sa hindi kung hindi mo titikman? wala na ang pagkakataon para madagdagan ang kaalaman mo. sayang pare...