Boraemon episode 1- http://warvitt.blogspot.com/2008/06/boraemon-episode-1.html
"Kung talagang totoo ka, maglabas ka nga ng kahit anong gadget o kung ano man dyan sa bulsa mo..."
"Oo ba...sandali lang" nagsimula ng dumukot si Boraemon sa bulsa niya. Kakatwa rin yung bulsa niya dahil mukhang brief to, para tuloy siyang kumakalkal ng buratski sa ginagawa niya.
"Eto, ang WALKMAN NI NOSTRADAMUS!"
(wow astig, may lumabas ngang bagay galing sa bulsa niya, isang itim na walkman.)
"Ayos ah! galing! totoo ka nga, ano naman silbi niyang walkman na yan?" excited ako malaman ang kung ano mang kayang magawa nung gadget.
"Ang walkman na to ay kayang malaman ang future ng isang tao, kung anong pwedeng mangyari sa kanya sa hinaharap."
"Huh? paano naman?"
"Simple lang, magrerecord lang ng boses ang gagamit tapos ipe-play niya. Tutunog sa walkman na ito ang boses na nagsasabi ng mga impormasyon at mga detalye tungkol sa future nito."
"Wah...galing naman nyan. Uhm, pwede ko subukan?"
"Sige, oh eto."
Inabot sa akin ni Boraemon ang walkman at nagsimula akong i-record ang boses ko.
"Hello hello mic test, mike, tess nandiyan ba kayo?" tinanong ko kay Boraemon kung ayos na iyon.
"Ok na yon, sige pindutin mo na yung play."
Pinindot ko ang play.
"Dut dut..diririt..tirit...eeeeng... Ako si Warlo Vittal 46 years old (tumunog na ang walkman at nagsalita ang isang mama na nagsasabing siya ay ako.) Isa akong mayaman at maperang negosyante malaki ang kinikita ko sa negosyo kong bentahan ng pirated DVD at mga nakaw na cellphone rumaraket din ako bilang artista bida ako sa mga porn movies at amateur scandals malakas din ako sa babae lima ang asawa ko pero hindi nila alam na meron pa akong walong chikas kahit maliit ang ti..." Pinindot ko na ang stop dahil ayoko ng pakinggan ang kahihiyang ito.
"Oo nga mabisa nga tong walkman mo, tara sirain natin!"
"Oy wag naman hehe, ok lng yan atleast nalaman mo kung ano kahihinatnan mo, pwede mo pa to baguhin hanggat maaga pa. Ewan ko nga lang sa maliit mong.."
"Ah ewan! Sinungaling yang walkman mo, hindi ako pornstar no! Pangarap ko lang yun pero wala ako balak gawin. AT HINDI MALIIT TO NO!!"
"La tayo magagawa kung yun katotohanan. Ano gagamitin mo pa ba to? sosoli ko na sa bulsa ko e."
"Sige soli mo na, tsaka na lang pag kailangan ko na. Teka, ibig sabihin dito ka muna sa panahon namin?
"Tama, hindi ako pwede bumalik sa future hanggat di ko natutupad misyon ko."
"Pano yan, baka mahirapan akong itago ka, delikado pag nakita ka ng ate ko. Gagawin kang dildo nun! O kaya pag nalaman ng ibang tao na meron akong robot dito magkakagulo dito naku ang laking problema nun!"
"Wag ka mag-alala, kaya kong gawing invisible sarili ko."
"Talaga? Galing naman nun, pahiramin mo rin ako ng gadget na ganun para maging invisible din ako."
"Ah wala akong ganun e, nakaprogram lang sa circuit ko yun. At kung meron man ako, di ko bibigay sayo yun dahil mamboboso ka lang. Baka maging rapist ka pa pag nagkataon imbes na pornstar."
"Sa bagay... Grabe hindi talaga ako makapaniwalang totoo mga katulad mo, kanina pinapanood ko lang ngayon nangyayari na, astig! Edi sa japan totoo si Doraemon?"
"Aba oo naman, kaso ibang-iba siya kumpara sa palabas. Yung maiimbento ng mga hapon na Doraemon, ginawa para mapabilis ang hilig nila. Puro sex toys ang nilalabas ni Doraemon. Siyempre alam mo naman yung mga hapon mukhang hentai. Hindi rin pala magtatagal magiging sex den ang bansa nila, yung tipong darating sa puntong transparent na ang mga damit ng tao dun para lang mapunan ang kamanyakan."
"Hmmm...parang gusto na sa japan pag nangyari yun."
"Wag ka mag-alala...Mas malala mangyayari sa pilipinas pagdating sa ganoong bagay. Isipin mo na lang na sa future, ang pakikipagtalik dito ay parang pag-ihi lang sa pader."
"ASTEEEEEEG!!!!!!"
"Hindi astig yun no! Alam mo bang pag nangyari yun e mahihigitan na ng pilipinas ang populasyon ng china? Kahit na sinabi ko kanina na magiging mayaman ang bansa mo, matagal pa bago mangyari yun. 22nd century pa. Marami pang pagdadaanan ang pilipinas bago mangyari yun. Isa ang populasyon sa mga dahilan kaya muntik nang lumubog tong bansa. Wala ng magawa ang gobyerno sa sitwasyong pinapabayaan na lng ng iba na mamatay sa gutom ang iba. Hay... ayoko na magkuwento! Ayoko ng balikan yung madilim na pangyayaring yun."
". . . ." wala na akong nasabi sa sinabi niya, hindi kasi malayo sa katotohanan yun. At isa pa, busy ako sa pag-iisip kung anong gagawin ko pag naging invisible ako.
Itutuloy....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
pucha. na disturb naman ako sa image.
Post a Comment